Naitala ng PAGASA ang isang bagong low-pressure area (LPA) na nabuo sa silangan ng Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, nabuo ito mula sa mga ulap na na-monitor sa nagdaang linggo at kasalukuyang nasa 1,605 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Bagaman mababa ang posibilidad na ito ay maging tropical depression sa susunod na 24 na oras, hindi ito maaring balewalain sa mga susunod na araw.
Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Magiging maulap din sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley na maaaring makaranas ng mga pag-ulan o thunderstorms.
Pinapayuhan naman ang publiko na maging alerto para sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng malalakas na thunderstorms.