Paga-appoint ng dalawang retired generals sa DepEd – kinontra ng teachers’ group

Sinalungat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagtatalaga sa dalawang mga retired generals bilang mga opisyal ng Department of Education (DepEd).

Ito ay matapos i-appoint ni Pangulong BongBong Marcos bilang bagong undersecretary si Retired Maj. Gen. Nolasco Mempin at assistant secretary naman si retired Brig. Gen. Noel Baluyan.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Ayon sa ACT, ang appointment ng da’wa ay isang banta sa demokrasya ng mga guro.

Hindi rin daw ito makatutulong sa pangkalahatang pagsisikap na tugunan ang patuloy na krisis sa edukasyon sa bansa.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Dagdag pa nila, patuloy itong militarization ng education system ng bansa, matapos ang unang appointment kay Vice President ang DepEd Sec. Sara Duterte bilang co-vice ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).