Pag-veto sa poll workers tax exemption, dinepensahan ng Pangulo

Nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos ang dahilan nito kung bakit niya i-veneto ang panukala na layong bigyan sana ng tax exemption ang mga guro at iba pang workers na magsisilbi tuwing mayroong halalan.

Sa pagharap nito sa pulong balitaan sa Pasig City, sinabi ni Marcos na dumaraan pa kasi ito sa masusing pag-aaral.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Aniya, nilalayon daw kasi nilang i-simplify ang pagbabayad ng mga buwis sa Bureau of Internal Revenue at maaaring magulo lamang ito, ‘o ‘di kaya nama’y masingitan ng red tape sakali mang lagyan ng bagong kategorya para sa tax exemption ng mga poll workers.

Sa ngayon aniya, inaaral ang kahalintulad na ayuda sa gasolina na fuel subsidy pagdating naman sa pagbibigay ng tax subsidy sa mga gurong magta-trabaho sa eleksyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kaugnay nito, sinabi ni Commission on Elections acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na nire-respeto nito ang veto powers ng Pangulo.

Aniya, naiintindihan nila ang nilaman ng veto message ni Marcos kung saan ay sinabi nitong inaaral pa ng pamahalaan ang pangkalahatang sitwasyon ng bansa at marami pa itong kino-konsider na mga bagay.
#