KORONADAL CITY – MAHIGPIT na pinagbabawal sa lahat ng mga motorist na i-park ang kanilang mga sasakyan sa side walk sa lungsod ng Koronadal. Ito ang paalala ni City Traffic Management Office o CTMO Head Joy Placer sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan naglagay na ang kanilang opisina ng tali gayundin signage na “No Parking” upang walang magpark na mga sasakyan.
Ayon kay Placer, maituturing na obstruction dahil maaaring gumuho ang semento ng sidewalk na magiging sanhi pa ng aksidente sa iba. Nilinaw ni Placer na ang sidewalk ay hindi applicable na patungan ng mga sasakyan dahil ito ay naka-set para lamang sa mga tao. Sa oras na mapabayaan ang mga sasakyan, kanila umanong hinahabol ang mga nagmamay-ari nito kung saan partner ng CTMO ang Task Force Kaayusan sa pagpapataw ng nararapat na hakbang para sa mga pasaway na mga drivers.
