Pag-iinom ng mga menor de edad sa mga bar at night clubs kabilang sa tututukan ng mga barangay opisyal sa papalapit na Peñafrancia Fiesta Celebration

NAGA CITY –Mas tututukan ngayon ng mga barangay opisyal ang pagbabantay sa mga menor de edad lalo na ang mga pumapasok sa mga bar, nightclubs at iba pang bahay-aliwan sa Naga City.

Papalapit na ang pagdiriwang ng Peñafrancia fiesta kaya mas maraming mga menor ang inaasahang papasok sa mga inumang ito na bawal pa sa kanila.

Ito ang pagtantiya ni Triangulo Punong Barangay Allan Beriso dahil sa ang lugar nila ay napapaligaran ng ilang mga malls at mga inuman, na kung saan ilang ulit ng nagkaroon ng gulo sangkot ang mga kabataan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Beriso, sinabi nito na walang tigil ang ginagawa nilang pagroronda sa mga lugar na puwedeng tambayan ng mga menor sa alanganing oras kabilang na din ang mga computer shops.

May mga naku-curfew silang mga istambay sa barangay nila, karaniwan ay mga kabataang babae na agad naman nilang inihahatid kun saang barangay nakatira ang mga  ito at minsan pinapakuha nila sa magulang, kasabay sa pakikipag-usap sa mga ito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tulad ng ibang barangay opisyal, pakiusap ni Beriso na sana mas bantayan pa ng mga magulang ang mga menor de edad nilang anak, para hindi mabiktima o suspek ng anumang krimen sa lungsod.

Ang Barangay Triangulo, isa sa central business district ng Naga City.