Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris

Idiniin ni US Vice President Kamala Harris ang matatag at mahabang relasyon sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas.

Ito ang pinanindigan ni Harris sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, at ang pulong kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang.

Inilarawan ni Harris bilang ‘long’ and ‘enduring’ ang umiiral na Philippine-American relations.

Dagdag pa ng US official na umaasa silang mas lalalim pa ang ugnayan ng dalawang mga bansa, sa ilalim ng bagong administrasyon ni pangulong Marcos.

Sinabi naman ng Pangulo na ang ginawang pagbisita ni Harris sa bansa ay isang hudyat na malakas pa rin ang pakikipagkaibigan ng Amerika at ng Pilipinas.

Aniya, bagamat dumaan sa iba’t ibang mga pagsubok ang ating relasyon – lalo lang daw itong tumatag sa iba’t ibang mga pamamaraan.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Samantala, bago pa man ang courtesy call ni Harris sa Malacañang, una na muna itong bumisita at nakipagpulong kay Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag mula sa Office of the Vice President, sinabing ang usapin sa edukasyon ang isa sa mga tinalakay ng dalawang lider.

Si Harris ang itinuturing na pinaka-mataas na US Official na buimisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Bago si Harris, una nang pumunta ng bansa sina US Secretary of State Antony Blinken, Deputy state secretary Wendy Sherman, at Second Gentleman Douglas Emhoff.

‘We stand with you’.

Ito ang mga salitang binitawan ni US Vice President Kamala Harris sa kanyang naging pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Sinabi ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng Estado Unidos na kaisa nito ang Pilipinas pagdating sa pagsusulong ng international rules and norms kaugnay sa South China Sea.

Ayon kay Harris, handang dumepensa ang Amerika sa kahit ano mang gagawing hakbang ng China laban sa armed forces, public vessels at sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na masusi nilang babantayan ang insidente ng pagharang umano ng Chinese Coast Guard sa Philippine Navy malapit sa Pagasa Island.

Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza sa ngayon ay naghihintay pa sila ng mas detalyadong report ukol sa insidente mula sa mga maritime law enforcement agencies.
#