Pag-alis sa mask mandate? – Pataasin muna ang vaccine coverage – DoH

Naniniwala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kinakailangan munang paramihin pa ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa bago tuluyang tanggalin ang mask mandate sa Pilipinas o ang requirement sa pagsusuot ng face masks.

Ayon kay Vergeire, dapat ay mas maparami muna ang mga protektadong Pilipino laban sa COVID-19 bago payagan ang ganitong mga uri ng order.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Mababatid na unang nabanggit ni Dr. Rontgene Solante ng DoST na kung tuloy sa pagbaba ang mga kaso ng nakahahawang virus sa Pilipinas ay maaari nang tanggalin ang mask mandate.

Giit ni Vergeire, dapat ipagpatuloy pa ang target na mabakunahan ang 77 million individuals bago matapos ang Hunyo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa ngayon, nananatili na lamang sa 2,908 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito na ang pinakamababang active case count na naitala ng DoH.

210 naman ang mga bagong kaso.
#