Epekto ng wage increase sa micro enterprises, ikinabahala

Ikinabahala ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang epekto ng ipatutupad na dagdag-sahod sa mga maliliit na negosyo o yung mga micro enterprises.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis, 90% ng industries ay bahagi ng micro enterprises at 65% ng workforce ang nanggagaling dito.

Aniya, mayroong ilang mga maliliit na negosyo na hindi alam kung saan hahagilapin ang kanilang ipasasahod sa mga manggagawa nito lalo na ang mga higit na naapektuhan ng pandemya.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Kahit na maliit lamang ang P33 na wage increase para sa mga minimum wage earners, mayroon pa ring mga employer na umaaray dito.

Samantala, naniniwala naman si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kung maaari ay dapat exempted na sa wage increase ang mga maliliit na negosyo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aniya, ngayong kapit na sa patalim ang ilang mga micro-entrepreneurs, posibleng hindi na ito maka-survive sa bagong ipatutupad na dagdag-dahod.

Sa ngayon, ang nakikitang hakbang ni Concepcion para maibsan ang problema ay ang paglikha a ng mas maraming trabaho.
#