Padyak ng pagkakaisa ng pamayanan at pulisya isasagawa sa bayan ng Daet

Mag-sasagawa ng Bike for a Cause ang Camarines Norte Police Provincial Office para sa mahabang  selebrasyon ng ika- 27th Police Community Relations Month

Tema ngayong taon ang “ PADYAK NG PAGKAKAISA NG PAMAYANAN AT PULISYA “, na gaganapin sa July 2, 2022 sa ganap na oras  na 5:30 ng umaga.

Sisimulan  ito sa Central Plaza Mall Compound hanggang Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. ng Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte na may total route distance na 28.4 km.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang ticket para dito ay nagkakahalagang 99 pesos na may kaakibat na ibat- ibang pa premyo.

Ang pa-unang papremyo ay nagkakahalagang P5,000. 00, ang ikalawa naman ay P4,000.00, ang ikatlo ay P3,000.00, ang ika-apat ay P2,000.00 at ang ikalimang papremyo ay nagkakahalaga naman ng  P1,000.00

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kasabay nito ay may mga minor prizes pang matatanggap katulad na lamang ng mga gamit pang bisekleta.

Ang malilikom ng nasabing aktibidad ay gagamitin para sa mga proyekto at programa ng CNPPO.