Pacquiao, pinasalamatan ang POC hinggil sa kanyang eligibility sa Olympics

Muling iginiit ng Filipino boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang layunin na makapaglaban sa Paris Olympics para sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Philippine Olympic Committee (POC) na nakipag-ugnayan na sila sa International Olympic Committee (IOC) hinggil sa kanyang eligibility.

Ayon kay Pacquiao, hindi hadlang ang edad para matupad ang kanyang pangarap na makapag-compete sa Olympics.

Dahil dito, lubos na nagpapasalamat ang dating senador sa POC sa ilalim ng pamumuno ni Abraham Tolentino, sa pagbibigay ng rekomendasyon sa IOC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *