Package na mula sa ibang bansa nadiskubreng naglalaman ng high-grade marijuana

Nadiskubre ng mga otoridad na laman ng isang package mula sa Nashville, USA na dumating sa Port of Clark noong April 22 ay high-grade marijuana o Kush.

Nasabat ito sa dalawang suspek kasunod ng isinagawang controlled delivery operation ng PDEACentral Luzon, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs Port of Clark, at Aviation Security Unit-3 kahapon sa

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Barangay Bayanan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga inarestong claimants na sina Glenrene Esguerra at Jaime Jayme na pawang mga nasa hustong gulang.

Nang suriin ng mga otoridad ang package ay nadiskubre ang dalawang silver pouch na naglalaman ng pinatuyong Kush at tinatayang nasa 325,000 ang halaga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Una rito ay idineklara umano ang package bilang tea na mula sa tree leaves. Samantala, nahaharap sa kasong may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN CUSTOMER'S FEEDBACK " MAXAN Mangosteer MAXAN MAXAN AXAN Tinitimpla ko ang Maxan Coffee sa aking asawa araw-araw, effective sya dahil hindi na sya agad-agad napapagod at tinatamlay. Shop now! Lazada'