P91K halaga ng Shabu, nasamsam mula sa gun for hire suspect sa Batangas City

Naaresto ang isang high value individual at gun for hire suspect sa isinagawang  buy-bust operation ng mga awtoridad sa Batangas City kahapon, Abril 20.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Jessie Gumban, 26 anyos, isang tricycle driver at residente ng Barangay Cuta Central, Batangas City.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Ayon sa imbestigasyon, narekober sa suspek ang 13.5 gramo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng nasa 91,000 pesos, isang Glock 17 caliber 9mm na baril at limang bala.

Samantala, napag-alaman na ang narekober na baril mula sa suspek ay ninakaw na issued firearm ni PSSg Eizza Johann Obcemea Ocado ng Batangas City Police Station.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Matatandaang unang napaulat ang insidente ng pagnanakaw sa tinutuluyang bahay ng pulis sa Brgy. Tingga, Itaas noong ika- 6 ng Agosto ng nakaraang taon at natangay ang kanyang baril.

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Omnibus Election Code of the Philippines dahil sa umiiral na Comelec gunban.