P74-billion na halaga ng iligal na droga, narekober ng mga otoridad simula pa noong 2016

Pumalo sa mahigit P74-billion ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng mga otoridad mula nang mag-umpisa ang war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Sa isang taped briefing, ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na mula sa nasabing halaga, ay P62.36-billion nito ay shabu na may kabuoang timbang na 9,755.54 kilograms.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Nasa mahigit 500 kilograms naman ang cocaine, 149,138 na piraso ang ecstasy, at nasa mahigit 9,300 kilograms naman ang narekober na marijuana.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Samantala, naiulat rin ni Año na umabot na sa 319,000 na drug suspects ang naaresto mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2021.