23,686 na barangay sa bansa, cleared na mula sa ilegal na droga ayon kay Año

Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na pumalo na sa 23,686 mula sa 35,416 na barangay sa bansa ang maituturing nang cleared mula sa ilegal na droga.

Naiulat rin ni Año na umabot sa 221,657 na anti-illegal drug operations ang naisagawa sa loob ng limang taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Clerk of Court says impeachment court must decide on sealed BIR box

Aniya, nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 319,929 na drug suspects at pagkamatay ng 6,221 na iba pa.

Pumalo naman sa 13,996 na high-value targets ang naaresto, kabilang na ang 511 na opisyal ng gobyerno, 394 na elected officials, 126 mula sa unipormadong hanay, at 349 na foreign nationals.

Read More:  DSWD provides financial aid to students injured in Tacloban school shooting

Ibinida naman ni Año sa kaniyang ulat tungkol sa war on drugs na nagawa ng gobyerno na ma-rescue ang mahigit 4,000 menor-de-edad na sangkot sa ilegal na droga.