P714K halaga ng shabu nasamsam sa raid sa lungsod ng Masbate

Arestado ang isang negosyante at isang lady online seller dahil sa iligal na droga sa Brgy Nursery, Masbate City.

Kinilala ang mga suspek na sina Lloyd Chang Sia, 42-anyos, binataa at Maria Kristina Rañola Paglinawan, 37-anyos, may asawa parehong naninirhan sa Purok 2 ng nasabing barangay.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa impormasyon na natanggap ng Brigada News, ang mga suspek ay nasa listahan ng drug enforcement unit bilang HVI o high-value individuals sa drug trade.

Narekober sa raid ang isang plastic na nakabuhol na naglalaman ng aabot sa 105 gramo na shabu, digital weighing scale at tatlong strips ng aluminum foil.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang Search Warrant ay ipinalabas ng 5th Judicial Region, Masbate City.