Inilaan ang 7.8 milyon pesos na halaga ng community grant sa 58 na pamilyang kabilang sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa(BP2) Program ang inaasahang uuwi sa Iguig, Cagayan.
Sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DSWD FO2 at LGU-Iguig ay naaprobahan ang 7.5 milyon na halaga ng community grant sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).
Gagamitin ang naturang pondo sa mga proyektong makatutulong sa pangkabuhayan ng nasabing mga pamilya alinsunod sa EO No. 114 series of 2020.
Samantala, natanggap na ng 2 pamilyang benepisaryo ng BP2 Program sa lalawigan ng Isabela ang Transitory Family Support package na nagkakahalaga ng 86, 500 pesos.
Maliban sa mga pagkain ay kabilang din sa natanggap na package ng mga ito ang non-food items na kinabibilangan ng clothing, hygiene kits, sleeping kits, first aid kits, cooking utensils, at school supplies.
Layunin ng BP2 program na mabigyan ng permanenteng pagkakakitaan upang maiangat ang estado ng buhay ang mga pamilyang nagbabalik probinsya na labis naapektuhan ng pandemya.