P6.8Million na halaga ng pinaniniwalaang shabu, nasamsam ng PDEA sa Cotabato City

ISANG KILO ng shabu ang nasabat sa operasyon ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM nitong Sabado, May 28, 2022 sa kanto ng Nayon Shariff, Brgy. Rosary Heights 3.

Kinilala ng PDEA ang nakatakas na target sa operasyon na isang nagngangalang ARSON, nasa hustong gulang at residente ng isang bayan sa Maguindanao.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Agent Tan-Tan, aniya ng magkaabotan na umano ng item ay agad nakatunog ang suspek at kung kaya agad umano nagpaharurot palayo, at dahil sa matao ang lugar ay di na inabutan pa ng mga humabol na anti narcotics agents.

Bagamat ganun pa man ay maituturing din na matagumapay ang nasabing operasyon matapos na makuha ang iligal na droga na tiyak na magdudulit ng pinsala sa kumunidad, dagdag pa ni Agent Tan-Tan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PDEA RCLO BARRM ang nakumpiskang driga for verification habang inihahanda na ngayon ang kasong violations of RA 9165 na isasampa kay alias ARSON.(BNFM COTABATO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *