Inflation rate sa Bicol, tumaas ngayong Abril

LEGAZPI-Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA)Bicol na tumaas na Inflation Rate sa Bicol Region.

Ayon kay Vladimir Peraja, ang Regional Information Officer 1 ng nasabing tanggapan, bahagyang tumaas ang inflation rate sa rehiyon na umabot sa 4.2% sa buwan ng Abril kumpara sa 3.8% nitong buwan ng Marso.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Aniya, kasama sa tumaas ang presyo ay mga food and beverage, floating and footwear at ang transport na kung saan nagsipagtaasan rin ang presyo ng gasolina.

Mula sa 5.3% naging 6.9% ang itinaas ng transport ng petroleum products sa Bicol.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dagdag pa nito, lahat ng produkto na gumagamit ng transportation ay nagsipagtaasan na rin ito.

Sinabi ng opisyal, itinuturong dahilan ng mga pagtaas ng mga bilihin ay nangyayaring gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.