P5K ayuda ng DOT para sa transport sector nakatengga pa rin

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Federation of Associated Sorsogon Tricycle Drivers and Operators (FASTOD) na hindi pa nila natatangap ang ayuda mula sa Department of Tourism (DOT) na P5K na bahagi ng programa ng pamahalaan para sa transport sector na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa presidente na si Manuel Detera, sinabi nito na wala pa silang balita kung kailan ito maibaba sa kanilang hanay kung saan pangangasiwaan ito ng Provincial Tourism Office (PTO) Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aminado si Detera na lubha itong kailangan ng mga tsuper dahil sa epekto ng pandemya na labis na nakaapekto sa kabuhayan ng libu-libong tsuper sa lungsod.

Aniya, kahit kasi naaprubahan ang dalawang sakay at adjustment sa pasahe ang problema dahil sa curfew at paglilimita sa pagpunta sa mga matataong lugar at mga aktibidad sa kasentrohan sobrang hina umano ng kita ngayon ng mga tsuper, idagdag pa ang schedule ng pamamasada na apat na araw lamang sa isang linggo bagay na patuloy na inaaray ngayon ng mga tricycle drivers.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tanging panalangin ng opisyal na matapos na ang pandemya upang makabalik na sa normal ang kita ng mga tsuper na kabilang umano sa mga pinakanaapektuhan ng COVID-19 sa bansa.