P56k halaga ng gamit ng mga banyaga, ninakaw umano sa Puerto Princesa

Nawalan ng nasa $1,000 o nasa P56,000 na halaga ng kagamitan ang mga Bulgarian Nationals na nagbabakasyon lamang dito sa lungsod umaga ngayong Miyerkoles, January 10, 2024.

Ayon sa salaysay ng may-ari ng bag na si Johanna, bumibili lamang sila ng kape sa isang coffee shop kasama ang kanilang driver/tourist guide sa Pajara Road, Bgy. Sta. Monica bandang alas-diyes kaninang umaga, nang sila’y magbabayad na sa kanilang inorder na kape, napansin na lamang nilang nawawala na ang kanyang Beach Bag na nakalagay lamang sa loob ng tricycle.

Ito’y naglalaman ng pera na halos aabot ng nasa P20,000 at mga mamahaling kagamitan tulad ng cellphone, branded shades at iba pa.

Hinala ng biktima, maaring naka-motorsiklo ang suspek dahil wala naman daw silang nakitang naglalakad sa paligid noong mga oras na iyon.

Hindi naman nahagip ng CCTV Camera ng coffee shop ang insidente sapagkat nasa kabilang lote na o nasa labas na ng premises ng coffee shop naka-parada ang tricycle na kanilang sinakyan.

Samantala, rumesponde naman ang ilang tanod ng nasabing barangay sa lugar na di nag tagal ay sinundan na rin ng mga pulisya upang mag-imbestiga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *