Alicaocao flood control project sa Cauayan City, tapos na

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Isabela 4th District Engineering Office na tapos na ang Alicaocao Flood Control Project sa Lungsod ng Cauayan.

Layunin ng proyekto na ma-protektahan ang bawat komunidad at mga bukirin sa impak na pwedeng idulot ng malalakas na bagyo at mga pagbaha.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Ang Alicaocao Flood Control Project ay ang 149-meter concrete flood control revetment na nakaposisyon sa Cagayan River kung saan mayroon itong P29,399,982.46 na nakalaang pondo.

Read More:  ₱1.3M petroleum products seized in Negros Oriental

Binigyang-diin din ni District Engineer Evelyn C. Costales ang kahalagahan ng naturang proyekto bilang paghahanda sa pagdating ng mga natural disasters katulad ng pagbaha.