Nakatakdang tanggapin ngayong araw ng House of Representatives ang P5.268-trillion national budget para sa 2023, sa harap ng opisyal na pagsisimula ng budget season.
Ang naturang proposed national budget mula sa executive branch, na tinaguriang National Expenditure Program (NEP), ay ang pinakamalaki sa kasaysayan.
Ang NEP ay magsisilbi bilang precursor ng General Appropriations Bill (GAB), na ihahain ng mga miyembro ng Kamara, sa mga susunod na linggo.
Ang pagpasa sa national budget sa tamang oras, ay ang una at pinaka-importanteng task ng mga mambabatas.
Samantala, sa panig ng executive branch, pangungunahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ni Secretary Amenah Pangandaman, ang pagsusumite ng NEP sa House officials sa isang turnover ceremony ngayong umaga.
