5-katao huli sa ikinasang anti-illegal fishing operation ng mga otoridad sa bayan ng Capalonga

CAMARINES NORTE – Nahuli ang 5-katao na iligal na nangingisda sa Territorial Sea Water ng Sitio Puktol, Brgy. Del Pilar, Capalonga, Camarines Norte sa isinagawang anti-illegal fishing operation ng mga tauhan ng Capalonga MPS katuwang ang mga tauhan ng Governor’s Special Action Group (GSAG) at Alpha Coy 9IB, 9ID PA

Ang mga nasabing suspek ay kinilalang sina Alyas Ariel, 44 anyos, Alyas Jayson, 37 anyos,        Alyas Ed, 54 anyos,  Alyas Chris, 32 anyos, Alyas Al, 41 anyos, mga mangingisda  at residente ng Quezon. 

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa ulat, habang ang mga nabanggit na otoridad ay nagsasagawa ng Anti-Illegal Fishing Operation sa Territorial Sea Water ng Sitio Puktol, Brgy. Del Pilar, Capalonga, Camarines Norte ay naaktuhan ang mga suspek habang aktuwal na nagsasagawa ng illegal fishing activity na kilala sa tawag na “Buli-buli” gamit ang fine mesh net.

Agad na hinuli ang mga ito kasama ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya na kinabibilangan ng fine mesh net at iba’t-ibang huli na isda.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, ang mga naarestong personahe ay nasa kostudiya na ng Capalonga MPS para sa paghahanda na kasong isasampa sa mga ito.

Ayon kay PMAJ HEINRICHBERT T VILLALUZ, ipagpapatuloy at mas paiigtingin pa ng kapulisan ng Capalonga ang mga operasyon patungkol sa iligal na pangingisda para maprotektahan ang yamang dagat.