P43-B pondo para sa health insurance ng 8-million senior citizens inilabas ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas sa mahigit sa P42.9-billion na pondo para sa one-year health insurance premiums ng mga senior citizens sa buong bansa.

Kabilang sa mga nilagdaan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) ng naturang pondo kung makikinabang ang mahigit 8.5 million na mga senior citizen sa Pilipinas.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay Pangandaman ito ay pagtalima sa direktiba ni President Bongbong Marcos na tiyaking ang mga matatanda ay nabibigyan ng kaukulang suporta at pangangailangan.

Sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA), nasa mahigit P79-million ang inilalaan upang masakop ang pagbabayad ng mga premium ng health insurance ng mga hindi direktang nag-aambag, kabilang ang mga nakatatanda.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Alinsunod sa Republic Act No. 10645, o mas kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010, lahat ng senior citizen ay sakop ng National Health Insurance Program (NHIP) ng PhilHealth.