P41M halaga ng livelihood assistance para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa Albay, sinimulan nang ipamahagi

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ang pamamahagi ng P41M na halaga ng livelihood assistance para sa mga lokal na mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing asistensya ay donasyong ibinigay sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) kung saan layunin nitong makatulong sa mga magsasaka at mangingisdang lubos na naapektuhan ng El Niño Phenomenon sa lalawigan.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA

Ang pamamahagi ay naisakatuparan sa pamamagitan ng ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) sa pangunguna ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO).

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Ayon kay APAO Assistant Provincial Agriculturist, Daryl John O. Buenconsejo, kasalukuyan nang namamahagi ng nasabing tulong pinansyal simula kahapon sa 3,155 mga magsasaka at 1,000 mga mangingisda na una ng na-aydentipika ng bawat lokal na pamahalaan sa Albay.