P335 Million, nagasta sa duplicate benificiaries ng DSWD ayon sa COA

Aabot umano sa mahigit P300Million na pondo ang nasayang ng Gobyerno dahil sa mga mali-maling pangalan ng mga benipesyaryong nakalista sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa ulat ng Commission on Audit, P335Million ang nawala sa pondo ng Department of Social Welfare and Development dahil sa mga error at duplicate na pangalan ng mga benificiaries.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Mayroon aniyang mahigit 25,000 na mga nabigyan ng aid mula sa 18 rehyon sa bansa.

Matatandaang inumpisahan ang delisting ng mga 4Ps benificiaries sa ilalim ng bagong adminitrasyon.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Unang sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ginawa ang ‘purge’ sa listahan para alisin ang mga duplicate na pangalan, pati na rin ang mga gu-mraduate na dahil hindi na pasok sa kategorya ng mga indigent families.