P300K na shabu, nakumpiska sa Dasmariñas City

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng mahigit P340,000 na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas Jalil, 34 anyos, residente ng barangay Datu Esmael, sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, naaresto ang isang high value individual at nakuha mula sa kanyang pag-aari ang humigit kumulang 50 grams ng hinahinalang shabu.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng nasa kustodiya ng PDEU-Cavite ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.