P265-M aid para sa mga binaha at na-landslide, ipinalabas ni PBBM

Personal na inalam ni Pangulong Bongbong Marcos ang sitwasyon ng mga residente mula sa apat na lalawigan at isang syudad sa Davao Region, na apektado at lubog sa baha dahil sa shearline at low pressure area.

Sa briefing, isa isang inilahad ng mga local chief executives ang sitwasyon ng kanilang probinsya maging ang tulong na kinakailangan nila sa ngayon.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Kabilang naman sa pinatututukan ng Pangulo sa mga LGU ang mga apektadong residente na wala sa evacuation center.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang paglalabas ng P265M na halaga ng tulong para sa mga apektadong residente sa Davao.

Pinuri rin nito ang maagap na pagkilos ng mga lokal na opisyal sa pag tugon sa kani-kanilang mga nasasakupan, na nag resulta sa mababang bilang ng casualty.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala maliban sa mga lokal na opisyal, kasama rin ni Pangulong Marcos sa naturang pagpupulong sina Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian, Office of Civil Defense, kalihim ng DPWH, DILG, DBM, DAR, DOTr, DENR at iba pang gabinete ng Pangulo.

Habang humabol din sa briefing si Vice President Sara Duterte.
#