P20.00 per kilo ng bigas , ibebenta sa Bicol Agri Summit

NAGA CITY- Makakabili ng bigas na P20.00 ang bawat kilo sa gaganaping 5th Bicol Agri Summit.

Mangyayari ito sa sa Capitol Convention Center, Pili, Camarines Sur sa Sept 29-Oct 1, 2022, pero  sinabi sa Brigada News FM Naga ni Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry  Vice President for Finance Kristian Carl Malazarte limitado ang supply , sa ngayon 30 sako ng bigas pa lamang mayroon pero bukas sila kung sakaling may mga pribadong indibidwal at organisasyon na tutulong.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Binigyang diin din na dalawang kilo lamang sa bawat mamimili ang papayagan, hindi naman kasi ito ay pinaka highlights ng aktibidad kundi ang iba pang mga produkto gayundin ang mga seminars halimbawa sa paglalago ng baboyan, manukan, gulayan pati mga benepisyo ng pagpapatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kasama sa programa ang Department of Agriculture, Department of Science and Technology (DOST) , Department of Trade and Industry  (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) iba pang tanggapan ng pamahalana at iba’t-ibang negosyo sa Bicol.