P20.00 bawat kilo ng bigas, posible -NFA Camarines Sur

NAGA CITY – Posibleng mangyari na gawing P20.00 presyo  ng bawat kilo ng bigas sa Pilipinas, ito ang paniniwala ng National Food Authority – Camarines Sur.

Ayon kay Acting Branch Manager Romeo Ocampo , pwede itong isulong kung gugustuhin ng National Government, kaya lamang kung mangyayari ito kinakailangan ng malaking subsidiya na ibibigay sa kanila para mapunan ang kakulangan lalo na ngayon P19.50 ang bili nil ang palay , P25.00 ang bawat kilo ng bigas na dapat sana ay ibinibenta ng P38.00 bawat kilo. Malaki ang nawawala sa NFA.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City
Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Matatandaang isa ito sa mga plano ni Presumptive President Bongbong Marcos Jr , sa kasagsagan ng kampanya.

Kaya lamang malaki ang magiging epekto nito; maaaring pabor sa iba ngunit paaano naman ang mga negosyante at  magsasaka lalo’t mahal ngayon ang farm inputs.