P11-B pandemic response funds para sa mga health workers ilalabas na ng DBM

Inaasahang maglalabas na ang Budget Department ng mahigit P11 billion na pandemic response funds para sa benepisyo ng mga health workers.

Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, na saklaw sa mga benepisyo at allowance ng mga ito, ay mula Enero hanggang Hunyo.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa gitna nito, umapela si Vergeire sa mga mambabatas na taasan ang proposed 2023 budget ng ahensya, para maisama ang benepisyo at allowances ng mga health workers.

Nabatid na sa proposed budget ng ahensya, P37 billion dito ay para sa public health emergency allowances ng health care at non-health care workers, kahati dito o P18.96 billion ay unprogrammed funds, o ipopondo lang sakaling maabot na ng gobyerno ang kanilang target revenue.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Kenneth Ronquillo, na saklaw lang ang naturang halaga ang anim na buwang serbisyo ng halos 806,000 health care at non-health care workers.