P100K na reward, ibibigay sa makapagtuturo sa 3 suspek sa pagpatay sa broadcaster sa Misamis Occidental

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa madugong pagpatay kay Juan Jumalon ang broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental na binarily-patay kung saan mayroon ng 100K na pabuya sa makapagtuturo sa mga salarin.

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila, Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS Exec. Director Usec. Paul Gutierrez sinabi nito na ngayong araw kinukompleto na ang mga pahayag ng mga witness at sinusubukan na ring makausap ang pamilya ni Jumalon.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon kay Gutierez, maliit ang tyansa na ang trabaho ng biktima ang motibo sa krimen habang masusi namang inaaral ang nakitang paghablot ng kwentas sa cctv sa radio booth ng broadcaster matapos itong barilin.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Una rito, kinondena ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpatay sa mamamahayag at tiniyak ang tulong na ipaabot sa naulilang pamilya ng broadcaster.