P10 million na pondo inilaan ng OMAG-Tboli para sa Biosecure Swine Production

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng P10 million na pondo ang Highland Agripreneur Integrated Farmers Association (HAIPA) sa bayan ng Tboli, South Cotabato para sa Biosecure Swine Production sa bayan. Ito ay pormal na natanggap nga HAIPA mula sa Office of the Municipal Agriculture o OMAg-Tboli.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang nasabing pondo ang para gamitin sa pagbili ng mga biik at feeds ng baboy ganun sa pag-aalaga sa mga ito. Basi sa project design ng HAIPA, asahan umano ang mahigit 250 na mga baboy sa unang cycle habang 500 na mga baboy naman sa ikalawang cycle.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ipinasiguro naman ng HAIPA na palalaguin ng mga ito ang nasabing proyekto at may sapat na supply ng karneng baboy ang bayan.