P1 dagdag pasahe tuwing rush hour binasura ng LTFRB

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng transport group na Pasang Masda para sa dagdag pasahe na P1 tuwing rush hour.

Isasagawa sana ang karagdagang pasahe mula 5:00 am hanggang 8:00 am at 5:00 pm hanggang 8:00 pm.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Pasang Masda national president Roberto Martin, magsusulong rin ang grupo ng ammended version ng petisyon ngayong araw sa dalawang pisong fare hike ng ibang grupo.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa kabila ng pagbabasura, sinabi ni LTFRB chief Teofilo Guadiz III, susuriin nang mabuti ang dagdag pasahe na inilalaban ng apat na transport groups sa bansa, lalo na’t naniniwala siyang “urgent” ang isyung ito