CAMARINES SUR- Arestado ang isang ginang na mula pa sa Cavite sa drug buybust operation sa Pili Camarines Sur. Abot sa P1.3M ang nakumpiskang item.
Kinilala ang suspek na si Arlene V Osolio, 57-anyos residente Brgy San Isidro Labrador, Dasmariñas Cavite.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Allen Macoy Jr, hepe ng Pili Municipal Police Station sinabi nitong binantayan nila at mga katuwang na unit ang ginang dahil nagdadala ito ng droga sa lalawigan, nagpositibo ang operasyon kung saan 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1, 360, 000.00
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.