P1.3B halaga ng shabu sa Pampanga, iimbestigahan na

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police sa Land Transportation Office upang malaman kung kanino nakarehistro ang kotse kung saan nadiskubre ang malaking halaga ng hinihinalang shabu sa major drug operation kahapon sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., ang pagkakadiskubre ng shabu ay nagsisilbing paalala sa mga illegal drugs syndicate na hindi sila tumitigil sa paghabol sa mga ito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Bago ito, natiktikan na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs at Mabalacat police ang pulang abandonadong sasakyan sa parking area ng isang mall.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Sa isinagawang inspeksyon, doon natuklasan ng mga tauhan ng NBI ang 200 pakete ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa P1.3 bilyon ang standard drug price nito.