P0.90-P1.20 price hike sa ilang petroleum products, asahan sa susunod na linggo

Aasahan ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.20 ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina habang posible namang bumaba sa P0.30 ang kada litro ng diesel.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Posible namang bumaba o walang maitalang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, una nang ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na epektibo ang price freeze sa mga lugar na nakapailaim sa state of calamity kabilang na riyan sa mga produktong petrolyo. //CA, edited MHEL PACIA