P 8.5 million payout, inirelease ng DOLE 12 sa mga TUPAD beneficiaries sa Polomolok

KORONADAL CITY- NATANGGAP na ng 2,556 na mga benepisyaryo sa bayan ng Polomolok ang kanilang sahod mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program na may kabuuang halaga na P 8,588,160.

Ang releasing ng payout ng mga ito ay pinangunahan ni Department of Labor Employment o DOLE 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga benepisyaryo na mula sa 23 mga barangay sa Polomolok ay nakatanggap ng tig P 3,360 para sa 10 araw na pagtatrabaho.

Covered din ang mga ito ng GSIS accident insurance sa loob ng isang taon.

Napag-alaman na nagtrabaho ang mga ito sa mga social community projects sa kanilang barangay katulad ng clean-up drives at waste segregation at disposal.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers kung saan maaari ang mga itong magtrabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw.