LEGAZPI – Isinagawa kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang Groundbreaking ceremony ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Regional Government Center sa Barangay Rawis, lungsod ng Legazpi.
Sisimulan na ng nasabing tanggapan ang construction ng 3 new storey building ng DAR Bicol. Aabot sa Php 75M ang inilaan na budget sa nasabing proyekto.
Ayon kay Regional Director Virgilio C. Eduarte ng nabanggit na ahensya, mayroong mutual vision ang DAR at DPWH ibig sabihin, pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mamamayang Pilipino.
Humahantong sa rural development at pambansang industriyalisasyon habang ang DPWH, tungo sa pagkakaloob at pamamahala ng mga de-kalidad na pasilidad sa imprastraktura.
Ang nasbaing building maysukat na 823.25-square meter na gusali ay magbibigay ng mga kinakailangang pasilidad at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga empleyado gayundin ang pangkalahatang publiko na kanilang paglilingkuran.
Ang bagong disenyo ng gusali ay nagtatampok ng mas mababang pagkonsumo/pagpapanatili ng enerhiya sa pamamagitan ng mga pinabuting pasilidad at kagamitan na ilalagay. Kaya, bubuo ng mga potensyal na pagtitipid sa pagpapanatili ng gusali.
Dumating sa aktibidad si DAR Secretary Bernie F. Cruz, Ayon pa dito, ang proyekto ng gusali ay pinondohan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA) at inaasahang makukumpleto sa loob ng 240 araw sa kalendaryo.