P 388 minimum wage, isinusulong sa Soccsksargen

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng petition para sa wage increase ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB Region 12.

Ang naturang petisyon ay isinumite ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP noong Abril 11.

Isinusulong ng TUCP na gawing P 388 per day ang minimum wage sa Soccsksargen, na mas mataas ng P 52 mula sa kasalukuyang minimum wage na P 336.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ang wage petition ay tatalakayin sa isasagawang public hearing ng RTWPB 12 sa Abril 26, 2022 sa Venue 88 sa General Santos City, ala-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

Una ng inihayag ni RTWPB 12 Secretary Jessie Dela Cruz na mas mainam kung may maisumiteng petition o position paper ang management at labor groups upang makatulong sa pagdesisyon ng board.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ngunit nilinaw ng opisyal na may position paper man o wala, magsasagawa pa rin ng deliberasyon ang board at magpapalabas ng pinal na desisyon kung nararapat na ba ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Soccsksargen sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin.