KORONADAL CITY- IDADAAN na sa GCASH ang allowance ng mga scholars ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 12.
Kamakailan lamang, lumagda na sa kontrata ang mga scholars ng TESDA upang maipasok na sa GCASH account ang kanilang training allowance, book allowance, instructional materials allowance, cost of workshop uniform at iba pang benepisyo.
Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang face-to-face contact sa mga scholars sa gitna ng COVID 19 pandemic upang maging ligtas at mapabilis ang disbursement ng benepisyo ng mga ito.
Ngayong taon, nasa 15,000 scholarship slots ang bubuksan ng TESDA sa rehiyon 12.
