Over- all accomplishment ng COVID- 19 vaccination sa bayan ng Mercedes sumampa na sa  82 %

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 82. 6 % ang over- all accomplishment ng Mercedes, Camarines Norte sa COVID- 19 vaccination.

Batay sa datos hanggang noong March 22, 2023 nasa 31, 260 na ang nabakunahan sa naturang bayan sa target na  37, 857.

Nasa  2, 898 naman o 71. 1 %  ng target na 4, 076 ang nabakunahang senior citizen.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa edad 18- 59  ay nasa  90.0 % na ang nabakunahan sa target na 23, 042.

Lagpas naman sa target ang nabakunahan para sa edad 12- 17 na mayroong 106 % habang  43.0% naman sa 5-11.

Pero mababa pa ang nabakunahan ng booster dose  na nasa 5, 856 o 15. 5 %.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang mataas- taas nang COVID- 19 vaccination coverage sa naturang bayan ay bunga ng mga ginawang interventions ng LGU.

Namigay ng bigas at laruan naman sa mga bata ang LGU noong mga nagdaang araw na isang paraan para makahikayat ang mga residente na magpapabakuna.