Outgoing President Rodrigo Duterte, pinasalamatan ng papasok na administrasyon

Pinasalamatan ni President-elect Bongbong Marcos si outgoing President Rodrigo Duterte sa anim na taon nitong paglilingkod sa mga Pilipino.

Ayon kay Marcos, malaki umano ang kanyang pasasalamat kay Duterte dahil tinulungan sila nito.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi pa ng incoming president na kaisa siya ng mga Pilipino sa pagbibigay-pugay kay Duterte sa ginawa nitong serbisyo sa nakalipas na anim na taon.

Pagtitiyak ng susunod na Pangulo ng Republika – itutuloy nila ang mga proyektong nasimulan ng outgoing administration lalo na ‘yung mga nakabuti sa ating bansa.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ngayon aniya, makatutuwang ni Duterte si Marcos para sa pag-transition nito bilang commander-in-chief, papuntang isang private citizen.
#