Outgoing DSWD Sec. Rolly Bautista, incoming Sec. Erwin Tulfo, nagpulong

Pormal nang nagpulong sina DSWD outgoing Secretary Rolly Bautista at incoming Secretary Erwin Tulfo.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ito ay bilang bahagi ng pagsasalin ng opisina at ilan pang mga hakbang na kinakailangang kumpletuhin ng transition team.

Tinalakay ang mga kasalukuyang programa ng DSWD para matukoy ang mga kailangang ipagpatuloy ng incoming administration at kung ano pa ang dapat nitong pagbutihin.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Kabilang sa mga napagusapan ng dalawa ay ang mga paraan para mabawasan ang mahabang pila ng mga Pilipinong nais humingi ng tulong at ayuda mula sa kanilang tanggapan.

Muli rin itong humingi ng paumanhin kay Bautista.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Matatandaang uminit dati ang dugo ni Tulfo kay Bautista dahil hindi niya ito ma-contact sa kanyang programa.

Binantaan niya pa ito noon na ingungudngod sa inidoro.

Sa ngayon aniya, nagkabati na ang dalawa at nakapagbigay na rin ng paliwanag ang dalawang panig.
#