Otoridad at force multiplier nakatutok sa BSP/GSP, drum and lyre competition ngayong araw; Pasok sa mga paaralan sa Naga kanselado na

NAGA CITY- Muling magmamartsa ang mga Boys at Girls Scout  matapos ang dalawang taon , ngayong araw ginaganap na ang BSP/GSP, Drum and Lyre Competition kaugnay ng Peñafrancia Festival 2022.

Nitong mga nagdaang araw, naging abala ang mga daan sa Lerma, Dinaga at San Francisco patungo sa Plaza Quezon dahil sa pagpractice ng mga kalahok.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Dinaga Punong Barangay Doris Lee, sakop ng parada ang main streets ng kanilang Barangay, ang mga barangay officials at barangay tanod ang makakatuwang ng PNP at force multiplier sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar.

Ayon  kay Lee kung may augmentation force ang PNP, may dagdag ding pwersa ang masasamang loob kaya kailangan magdoble ingat halimbawa sa mga mandurukot at snatchers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala , sa bisa ng Executive Order 2022-027 , walang pasok ngayon sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Naga, gayundin bukas kung kailan gaganapin naman ang Civic Parade.