Mga lalahok sa mga parada sa Naga City pwede nang hindi magsuot ng facemask

NAGA CITY – Alinsunod sa pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 3, na nagpapahintulot ng boluntaryong paggamit ng face mask sa labas o outdoor settings, nagpalabas na rin ng kanyang kautusan si Naga City Mayor Nelson Legacion hinggil dito.

Sa pakikipag-usap ng alkalde sa mga taga media, agad niya itong ipatutupad sa lahat ng mga aktibidad ngayong Peñafrancia Festival.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Tamang-tamang aniya dahil sa mga paradang mangyayari  sa lungsod tulad ng Boys and Girls Scouts Parade na gaganapin ngayong umaga na ayon kay Legacion, ang mga kalahok ay puwede ng huwag gumamit ng face mask.

Bukod diyan ang iba pang mga parada tulad ng Civic and Float Parade at Bicol Region Military Parade.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Batay kay Legacion na isang abogado, ipinaliwanag niya rin ang nakapalaman sa EO no.3 ng pangulo, kaya agad nila itong ipatutupad mula sa araw na ito sa buong lungsod.

Pero ang mga immunocompromised at senior citizen pati hindi bakunado ay hinihikayat ng EO na magfacemask pa rin.