Ordinansa ukol sa proper waste disposal sa mga canteens and fast food chains sa Legazpi, isinusulong ng isang konsehal

LEGAZPI CITY – Isinusulong ni Committee on Health and Sanitation Chairman and Legazpi City Councilor Alexander Jao ang isang ordinansang may kinalaman sa proper waste disposal sa mga canteens at fast food chains sa lungsod o CLAYGO (Clean As You Go) Ordinance.

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niya na magsisilbi itong training lalung-lalo na sa mga kabataan pagdating sa responsibilidad sa CLAYGO lalo na kung kumakain sa labas.

Nakapalaman umano rito na magkakaroon ng segregation sa food waste, disposable plates, spoons and forks, at sa kada canteen o fast food chain, dapat na magkaroon ng proper disposal area at ang retraining na ito’y ipapatupad sa tulong DEPED at private schools.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *