CAMARINES NORTE – Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang Oplan Pasko 2023 bilang paghahanda sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Dito sa Camarines Norte ay nagsagawa na ng surprise inspection sa mga terminal ang mga tauhan ng LTO Daet District Office.
Kahapon ay nagtungo ang mga tauhan ng LTO sa Daet Central Terminal sa Barangay Camambugan dito sa Daet para simulan ang serye ng mga surprise inspection.
Ayon kay LTO Daet Assistant Chief Romeo Candelaria, ginagawa ang pag inspeksyon sa mga terminal para masiguro ang road worthiness ng mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, jeep, van maging ang mga multicab at tricycle.
Ilang mga multicab naman ang nasita dahil sa hindi paggana ng mga accessories tulad ng busina, wiper, signal lights at mga napupudpod na gulong.
Kinausap rin ng LTO ang mga dispatcher at binigyan ng tagubilin na huwag paalisin ng terminal ang mag sasakyang sira- sira ang accessories na maaaring magdulot ng disgrasya.
