LEGAZPI CITY – Ipinatupad na ng Philippine Ports Authority (PPA) Bicol ang kanilang Oplan Biyaheng Ayos sa mga pantalan sa rehiyon kaugnay ng darating na Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PPA Bicol Spokesperson Achilles Galindes, naka-heightened alert ngayon ang mga law enforcement agency sa mga pantalan dahil maraming mga biyahero ang uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Magiging mahigpit umano ang mga uniformed personnel sa pag-iinspeksyon ng mga biyaherong papasok sa mga pantalan.
Titingnan at magsasagawa rin ng inspection sa mga pasahero upang tiyakin na walang makakapasok na mga ipinagbabawal sa loob ng pantalan at nang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.