‘Oplan baklas’ sa mga ginamit na campaign materials nitong Halalan, umarangkada na rin sa Catanduanes

BNFM BICOL—Umarangkada na rin sa bayan ngVirac, Catanduanes ang pagsasagawa ng “Oplan Baklas” o pagtanggal ng mga campaign materials at mga posters na ginamit ng mga kandidato sa kakatapos lamang na Halalan.

Pinangunahan ng MENRO o Municipal Environment and Natural Resources ng lgu-Virac ang pagbaklas ng mga tarpaulins, sa iba’t-ibang bahagi ng kabiserang bayan ng lalawigan partikular sa mga pamilihan at kasentrohan nito.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Kahapon ng umaga, muli itong isinagawa sa mga barangay naman ng Bigaa at San Andres ng nasabing bayan kung saan nakilahok na rin ang mga personahe ng Virac PNP.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Matatandaang una nang sinabi ng COMELEC-Bicol na nakasentro sila ngayon sa mahigpit na implementasyon ng “Oplan Baklas” gayundin ang panawagan sa mga tumakbong kandidato na magsumite na ng kanilang SOCE.###